Elizabeth Oropesa ibinunyag na may anak umano sila ni Dante Rivero

Photos: IDMB/Snooky Serna(Youtube) 

Tapat na inamin ng beteranang actress na si Elizabeth Oropesa na may anak umano sila ng beteranong actor na si Dante Rivero. Ibinahagi ito ng beteranang actress ng mag-guest siya sa vlog ni Snooky Serna sa Youtube.

$ads={1}

"Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world. Siya lang, walang iba,” paglalahad ni Elizabeth 

Medyo na-sorpresa si Snooky sa rebelasyon ni Elizabeth kaya tinanong niya ito kung si Dante ba ang kanyang great love at dito na inamin ng actress na mayroon silang isang anak.

"Of course, we have one son," sabi ni Elizabeth

$ads={2}

Paliwanag ng actress na sa panahong iyon ay wala pang social media at hindi rin daw siya masyadong talkative kaya hindi nalaman ng marami. Inilahad din ng actress na malapit na mag 40 ang kanilang anak.

 
Si Elizabeth Oropesa na kilala sa tawag na "La Oropesa", ipinanganak noong July 17, 1954 ay isa sa pinakamagaling na actress dito sa Pilipinas at isa ring Beauty Queen. Siya ay isang  Grand Slam Best Actress winner sa pelikulang Bulaklak Ng Maynila noong 1999. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form