John Estrada natakot at kinabahan matapos magtrending ang anak niyang si Kaila Estrada

 

Photos Screengrab from: Ogie Diaz/Youtube

Ibinahagi ni Kaila Estrada na kinabahan ang ama niyang si John Estrada matapos siyang magtrending sa social media kamakailan. Ibinahagi ito ng actress ng mag-guest siya sa Youtube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz.

$ads={1}

"Si dad naman, nagulat siya kasi hindi niya alam kung bakit ako nag-trending, natakot pa siya, kinabahan pa siya. Bakit ka trending ganyan. Sabi niya, para saan ba to? So sabi ko siguro sa 'Linlang' yan. Hindi pa niya napapanood. Super happy naman siya." kwento ni Kaila 

Nang tanungin siya kung ano ang reaksyon ng kanyang ama, ay sinabi raw nito na "ah talaga" at nangako raw ito na panoorin niya ang serye ng anak.

$ads={2}

Samantala naibahagi rin ni Kaila na sobrang happy ng kanyang inang si Janice de Belen ng siya ay magtrending. 

 
Si Kaila Estrada na may tunay na pangalan na Mikaela Ariana De Belen Estrada ay anak ng dating couple na sina Janice De Belen at John Estrada. Siya ay ipinanganak noong March 16, 1996. Kamakailan lang ay nagtrending ang eksena ni Kaila kasama si Kim Chiu sa Linlang na kung saan hinangaan ang kanyang galing sa pag-arte

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form