Kahit nabash sa pag-online selling, Badjao Girl namahagi ng tulong sa mga taong lansangan

 

Photos: Rita Gaviola - aka Badjao Girl /Facebook

Sa kabila ng pambabatikos na natamo ni Rita Gaviola o mas kilala bilang Badjao Girl ay mas pinili parin nito na maging positibo sa buhay. Matatandaan kasi na habang nagla-live selling si Rita ay sinabihan siya na bumalik nalang umano sa pamamalimos. 

$ads={1}

Kaya naman naman naiyak si Rita habang sinasagot niya ito "Sasabihin niyo sa akin na bumalik ako sa pamamalimos dahil Badjao naman talaga ako? Hindi ako nahihiya na Badjao ako. Mas lalo akong naging proud. Baka hindi niyo alam grabe ang experience ko sa pamamalimos para lang makaahon kami sa hirap," 

Sa kabila ng nangyari ay naging positibo parin si Rita. Sa kanyang post sa Facebook, ay ibinahagi niya ang video kung saan namahagi siya ng pagkain sa mga taong lansangan. 

$ads={2}

"I-bash niyo lang ako pero mamahalin ko pa rin kayo," aniya sa kanyang caption 

IBASH NIYO LANG AKO PERO MAMAHALIN KOPA RIN KAYO ❤️

Posted by Rita Gaviola - aka Badjao Girl on Friday, 3 November 2023

Si Rita Gaviola, na mas kilala sa palayaw na "Badjao Girl," ay isang Filipina model at internet sensation. Siya ay unang nakilala noong 2016 matapos siyang mapansin sa kanyang natural na kagandahan at mga larawang kumalat sa social media. Ipinanganak noong Enero 30, 2001, si Rita ay isang miyembro ng Badjao indigenous group mula sa Mindanao.

Matapos ang kanyang viral fame, naging bahagi siya ng ilang modeling gigs at naging modelo para sa mga kilalang fashion brands. Si Rita ay isang inspirasyon para sa mga kabataang may pangarap, at ang kanyang tagumpay ay nagpapakita kung paano ang internet ay maaaring magdala ng oportunidad sa mga taong may natatanging talento at kagandahan. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form