Melai nawindang sa reaksyon ng mga anak ng mag-away sila ni noon ni Jason Francisco

 

Photos: mrandmrsfrancisco,jerichorosalesofficial(instagram)/Jason Francisco(Facebook)

Nawindang ang "Magandang Buhay" host na si Melai Cantiveros sa reaksyon ng mga anak nang mag-away sila noon ng asawa niyang si Jason Francisco.

$ads={1}

Ibinahagi ito ni Melai sa panayam sa panayam ng talent manager na si Ogie Diaz. Kwento ni Melai sinabihan umano niya na lumayas si Jason at ginawa naman daw niya ito.

Kaya naman nasabi niya sa kanyang mga anak na :"Hay naku Mela Stela, 'wag kayong mag-alala. nag-emote ako sa mga anak ko, maghahanap tayo ng tatay na laging nandiyan."

Ngunit imbis na damayan siya sa kanyang pag-eemote ay naloka na lamang siya sa sinabi ng kanyang mga anak. 

$ads={2}

"Alam mo ang sagot nung dalawa, di talaga sila nagdadrama sa buhay. Tapos si Jericho na naman? Si Jericho na naman ang Papa namin. Tapos 'pag nag-away na naman kayo, iba na naman ang papa namin? Tapos tumawa sila 'tas nag apir," kwento ni Melai 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form