Video kung saan tila nagalit si Nikko Natividad sa hampas ni Ogie sa kanyang acting workshop viral

 

Photos: nikkonatividad/instagram

Mabilis na nagviral sa social media ang video kung saan tila nagalit si Nikko Natividad sa paulit-ulit na hampas ni Ogie Diaz sa acting workshop ng komedyante.

$ads={1}

Sa naturang workshop ay ide-deliver ni Nikko ang linyang "Hayop ka! May araw karin. Mabubulok ka sa impyerno" at sa tuwing hindi magugustuhan ang pagde-deliver ng lines ay hahampasin ito ni Ogie sa braso.

Tatlong beses nahampas si Nikko sa braso at sa pangatlong beses na iyon ay tumayo na si Nikko at si Ogie na ang kanyang tinuro at tila nagalit na kay Ogie. Inawat naman siya ng kanyang mga kasama at sabi ni Nikko ay masakit na raw.

Ngunit sa huli ng video ay nagtawanan naman sila dahil siyempre biro lang ito. Sabi pa ni Nikko sa kanyang caption: "Sorry mama @ogie_diaz nadala ako. Hindi ko po sinasadya. Kaya natatakot ako maging actor baka hindi ko mapigilan feelings ko"

$ads={2}

May tanong din si Nikko sa kanyang mga followers: "Tingin nyo? Pwede naba ako sa LINLANG?"

Narito ang video ang nakaka-aliw na video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form