Ama ni Liza Soberano kakasohan umano ni Cristy Fermin kung hindi babawiin ang kanyang mga sinasabi kay Fermin at Ogie Diaz

 

Photo Credits: Showbiz Now Na(Youtube)/ John C. Sober (Facebook)

Nagbanta ang kulomnistang si Cristy Fermin sa ama ni Liza Soberano na si John Soberano na kakasohan ng Cyberlibel kung di niya babawiin ang maanghang niyang post na ngayon ay deleted na tungkol kay Fermin at kay Ogie Diaz.

$ads={1}

Sa nasabing post raw kasi ay namura ni John sina Ogie at Fermin. Kaya ayon kay Fermin dapat raw ay turuan ng leksyon itong ama ni Liza.

"Kahapon ay personal na kaming nagkita ng aking abogado, si Atty. Ferdie Topacio at personal nang inihain sa kanya ang demmand letter na kailangan niyang bawiin ang kanyang mga ipinost sa loob ng limang araw na ibinibigay sa kanya. Kapag hindi niya yun binawi at kami ay ginamot kung saan niya kami sinaktan, tuloy ang cyber-libel. Kailangang binibigyan ng leksyon ang mga taong nakalilimot sa kagandahang asal," sabi ni Fermin

$ads={2}

"Kung ang kwestyon niya at ikinagagalit sa akin ay ang pagtawag ko ng walang utang na loob kay Liza Soberano, ako ay umaayon lamang sa ginawa ng kanyang anak. Paano ko tatawagin na marunong tumanaw ng utang na loob ang isang personalidad na pagkatapos tulungan at ipaglabaan ipakipagpatayan ni Ogie Diaz ay bigla na lang tumalikod ay mayroon pang mga sinasabing hindi kagandahan" sabi pa ni Fermin

 "At paano ko rin tatawagin na matanaw ng utang na loob ang kanyang anak na si Liza na pagkatapos bigayan ng ABS-CBN ng katuparan ang kanyang pangarap na makilala, maging popular at sumikat in fairness, marami pa rin siyang sinasabi sa ABS-CBN."dagdag pa nito 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form