Andrea Brillantes nangumpisal umano kay Kathryn Bernardo tungkol sa naging ugnayan nila ni Daniel Padilla


Totoo kaya? Kung paniwalaan ang artikulo ng ng Pep.ph nitong December 18 ay nangumpisal umano ang actress na si Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo tungkol sa naging ugnayan umano nila ni Daniel Padilla noong 2021.

$ads={1}

Ayon sa umanoy trusted source ng PEP, si Andrea daw mismo ang nagkumpisal kay Kathryn tungkol sa ginawa nila ni Daniel na nangyari sa studio ng aktres sa Quezon City.

Pag-amin umano ni Andrea, nagkita ang dalawa sa bahay ni Daniel noong November 2021, kasabay ng birthday celebration ng ina ng aktor na si Karla Estrada.

Ipinabasa rin umano ni Andrea kay Kathryn ang palitan nila ni Daniel ng messages sa cellphone. Sabi pa ng unang source ng PEP, “Ipinakita ni Andrea kay Kath lahat ng landian nila ni DJ sa text.”

$ads={2}

Kasama raw sa ipinabasa ni Andrea kay Kathryn ang mensahe mula kay Daniel na nagsasabing, “Ayusin mo ‘yan.”

Sa paliwanag ng source ng PEP, iyon daw ang text ni Daniel kay Andrea nang aminin ng dalaga sa aktor na may ibang nakaalam ng kanilang ugnayan, makalipas lamang ang ilang araw simula nang magkita sila noong Nobyembre—walang iba kun’di ang dati niyang boyfriend na si Seth Fedelin.

Lumalabas din na may “resibo” o kopya ng screenshots ng usapan nina Andrea at Daniel si Seth.

Paglilinaw pa ng unang source ng PEP, isang beses lamang nangyari ang pagtatagpo nina Andrea at Daniel at hindi na ito naulit pa.

Halos ganito rin daw ang kwento ng ikalawa at ikatlong source ng PEP. Subalit ang nagkumpirma ng mga kwento ay ang ikaapat nilang source.

Masakit na masakit daw para kay Kathryn ang nalaman niyang pagtataksil ni Daniel, lalo pa’t ang aktor ang kanyang unang boyfriend.

Hindi umano naging madali ang desisyon ni Kathryn na makipaghiwalay sa aktor. Subalit dumating na raw siya sa stage na “enough is enough”.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form