Driver na nabangga ng Driver ni Yassi Presman binigyan ng maagang pamasko at 100,000 pesos

 

Photo Credits: Raffy Tulfo In Action/Facebook

Naiyak ang isang driver na nabangga umano ng driver ni Yassi Pressman ng dumulong ito sa program ni Raffy tulfo nito lamang December 1.

$ads={1}

Sabi sa post ng Raffy Tulfo in Action: "Disyembre 1, 2023— Naluluha ang grab driver na si Raymart Guinto habang kwinekwento ang kanyang sumbong sa Raffy Tulfo in Action.  Ayon kay Raymart, noong November 21, Martes ng tanghali, nabundol ang kanyang minamanehong kotse ng isang SUV sa BGC, Taguig na minamaneho ng isang nagngangalang Domer Rabi. 

Nang mag-usap ang dalawa, napag-alaman ni Raymart na si Domer ay driver ng celebrity na si Yassi Presman. At nang makarating ang balita kay Yassi tungkol sa insidente, inutusan niya si Domer na pumunta sa isang coffee shop kung saan siya ay naghihintay para makausap na rin si Raymart. 

Doon, nangako ang artista na babayaran niya ang damage sa kotse ng minamaneho ni Raymart basta ipakita lamang daw sa kanya ang estimate sa repair. Matapos noon, napa-selfie pa ang na-starstruck na si Raymart.


$ads={2}

Pero matapos makapag pa-estimate si Raymart para sa repair, hirap na raw niyang ma-kontak si Domer at pinagtataguan na siya nito. Ang masaklap pa, 11 days na raw siyang hindi nakapagmaneho dahil sira ang ang kaniyang sasakyan. "

Ngunit ng makontak si Yassi ng Raffy Tulfo in Action ay humingi ito agad ng despensa at binigyan ng maagang pamasko ang nasabing driver at perang 100,000.00 pesos.

"Nang makontak ng RTIA si Yassi, humingi ito ng dispensa kay Raymart at nangakong babayaran ang repair na nagkakahalaga ng Php. 49,000 pati na rin ang 11 days na halaga ng kitang nawala sa kanya na aabot sa Php. 22,000.Pero ang good news, bilang pamasko na rin daw ni Yassi kay Raymart, sa halip ay magbibigay siya ng 100,000. Makalipas ang dalawang oras, nagkita ang dalawa at nagkabayaran na."sabi sa post ng Raffy Tulfo in Action

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form