Kim Chiu unti-unti na umanong nahulog ang loob kay Paolo Avelino ayon sa nabalitaan ni Ogie Diaz

 

Photo Credits: @pauavelino/instagram

Isa sa naging topic sa Showbiz Update Vlog ni Ogie Diaz ang tungkol sa actress na si Kim Chiu at kapareha nitong si Paolo Avelino.

$ads={1}

May nabalitaan kasi umano si Ogie na umanoy unti-unti ng nahulog ang loob ni Kim kay Paolo na kapareha niya ngayon sa "What Wrong With Secretary Kim".

"May nakapagsabi sa akin. Narinig ko lang naman. Merong nagparating sa akin... Unti-unti pala ay nahuhulog itong si Kim kay Paulo. 'Yun lang ang nabalitaan ko ha na nata-touch si Kim sa mga gestures ni Paulo dahil bukod sa sweet e Carinoso. Bukod doon, maasikaso. 'yun talagang nararamdaman ni Kim Chiu na babae siya kay Paulo Avelino" kwento ni Ogie 

$ads={2}

 "Kaya nga lang, wala namang linaw yun. Kung split na si Xian Lim tapos napo-focus ang atensyon ni Kim Chiu, kung sakali ah kay Paulo, wala namang kasiguraduhan kay Paulo kung may nararamdaman din ba siya kay Kim Chiu. Posibleng meron, posible ring parang mahal ko 'to bilang kaibigan."dagdag pa nito 

Ngunit inihayag din ni Ogie na umanoy nagkabalikan na umano sina Paolo at Janine Gutierrez: "Ang masaklap, ang sabi sa akin ng aking source, nagkabalikan na raw si Paulo Avelino at si Janinie Gutierrez."

Kaya sabi ni Ogie tanging sina Kim at Paolo lang umano ang makapagkompirma kung totoo nga ba o hindi ang tsismis tungkol sa kanila.

"Kasi alam mo, nilalatag lang naman natin sa kanila 'yung mga nakakarating sa atin. Sila pa rin ang may karapatang sumagot. Kung i-deny nila ito, madali para sa kanila hindi totoo yung nakarating sa atin, e sorry" sabi ni Ogie

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form