Maanghang na mensahe mo Fermin kay Karla Estrada matapos ang balitang hiwalay na ang KathNiel usap-usapan

 

Photo Credits: @karlaestrada1121,@supremo_dp(Instagram)/Cristy Ferminute(Youtube)

Usap-usapan ngayon sa social media ang maanghang na sinabi ni Cristy Fermin laban kay Karla Estrada matapos umanin na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na sila ay hiwalay na.

$ads={1}

Ayon kasi kay Fermin, ginawa raw siyang sinungaling ni Karla ang ina ni Daniel Padilla.

"Bukod po kay Blythe, kaming dalawa po ni Ogie Diaz ang nalagay sa alanganin tungkol sa breakup na ito. Alam niyo naman po mga kapatid na kapag, wala po akong resibo na hawak ang hindi pa po kumpleto ang impormasyon, hindi po lalabas ang mga salita sa aking bibig." sabi ni Fermin

"Ako po ay naglakas ng loob na sabihin dito sa CFM at SNN na hiwalay na po sila ng matagal na panahon. Hindi lang po kahapon, hindi lang po nung isang araw. Hindi po noong isang linggo dahil kumpleto po ako ng detalye." dagdag pa nito 

$ads={2}

"Pero ang ginawa po ni Karla Estrada ay pinalabas po akong sinungaling, yung mga pinakaing salita po sa akin ng mga KathNiel supporters, kaya ko pong tanggapin yan. Minsan isang panahon ako ay naging isang tagahanga rin. Alam ko gaano kasakit sa kanila na ang mga iniidolo nilang atista ay nagkahiwalay..."dagdag pa niya

 "Pero sana man lang naisip ni Karla Estrada, na antanging puhunan ko po sa trabahong ito, sa aking propesyon, ay kredibilidad. Hindi ko po ito, tinrabaho ng magdamag lamang...Apat at limang dekada ko po halos na pinagtrabahuan ang titulong ito, ang kredibilidad na ito, para wasakin lamang ng isang tao sa isang iiglap lamang."sabi pa ni Fermin

"Ngayon lumabas na ang katotohanan. Ano ang aking aasahan? Dapat dito ay natututo siyang tumanggap ng kamalian. Hindi ako humihingi ng anumang pagdidispensa mula kay Karla Estrada, kahit sa mga KathNiel, lawakan niyo lamang po ang inyong isp, puso at panghuhusga sa mga bagay-bagay habang hindi niyo pa nalilinawan ang mga pangyayari."aniya pa

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form