Mensahe ni Alden Richards tungkol sa network war ng maguest siya sa Its Showtime Viral

 

Photo Credits: ABSCBN Entertainment/Youtube 

Viral ngayon sa social media ang unang guesting ni Alden Richards sa Its Showtime. Ang nasabing guesting ni Alden ay nangyari nangyari ngayong araw December 4.

$ads={1}

Kasama ni Alden sa naturang guesting si Megastar Sharon Cuneta para magpromote ng movie nila na “Family of Two (A Mother and Son Story),” na isa sa mga entry ng Metro Manila Film Festival 2023. 

Sa naturang guesting ay tinanong si Alden ni Vice Ganda kung ano ang kanyang feeling na nakatongtong siya ng Its Showtime sa unang pagkakataon.

“Wala pa rin akong masabi, Miss Vice, kasi of course, aaminin ko rin naman, nanonood din naman talaga ako ng Showtime. So, it's an honor to be here,” sabi ni Alden

$ads={2}

At dito na nag-open up ang kapuso actor hinggil sa network war : “Kaya din po ako talaga nandito ngayon is to really show na tama na 'yung network wars or the misunderstandings. Kasi isa lang naman talaga 'yung gusto nating gawin, 'yung mapasaya 'yung mga tao, 'yung mga nanonood sa atin.” 

Sumagot naman si Vice na: “Very true. Totoo po 'yan. Alam mo, kaming lahat, kahit magkakasabay 'yung mga programa, pinanood din naman namin ang isa't isa. And we don't mind, nagkikita-kita kami sa mga lugar, nagyayakapan kami.” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form