Ogie Diaz nagsalita na sa KathNiel break-up, hinggil sa pambabatikos na kanyang natanggap kamakailan

 

Photo Credits: @supremo_dp(instagram)/Ogie Diaz Showbiz Update(Youtube)

Matapos kumpirmahin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na sila ay hiwalay na, ay naglabas ng kanyang saloobin si Ogie Diaz matapos siyang batikusin kamakailan dahil sa kanyang ibinalita tungkol sa KathNiel.

$ads={1}

Matatandaan na kamakailan lang ay binansagan si Ogie na umanoy fake news peddler dahil sa kanyang ibinalita hinggil sa hiwalayang KathNiel.

Kaya sa kanyang "Showbiz Update" vlog ay sinabi niya Ogie na masaya siya dahil siya ay vindicated ngunit malungkot naman siya dahil hiwalay na ang KathNiel.

$ads={2}

"Sa totoo lang noon pa namin alam na break yung dalawa. Pero sino naman kami para kami yung manguna o pangunahan namin ang KathNiel na dapat sa kanila manggagaling. Kaya malinaw yung sinasabi ko na di pwedeng i-confirm unless i-confirm nung dalawa na sila'y break na," sabi ni Ogie 

 "Siyempre nung nabasa ko yun, andaming nag-send, tumatawag, nagme-message na vindicated ka na, sa totoo lang ayaw ko namang magpaka-ipokrita, yes, happy ako dahil vindicated kami, pero at the same time, andun din yung lungkot... parang sandali, tinanong ko pa nga yung sarili ko, kasalanan ko ba't nagkaganito yung relasyon nila, hindi, binalita lang naman namin yon eh..."dagdag pa niya 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form