Richard Gutierrez kakasuhan umano si Sarah Lahbati kung di lang pinigilan ni Ruffa Gutierrez ani source ni Cristy Fermin

 

Photo Credits: @richardgutz,@sarahlahbati,@iloveruffag/instagram

Totoo kaya? Kung paniwalaan ang naging pahayag ni Cristy Fermin tungkol sa kanyang youtube show na "Showbiz Now Na" ay kakasohan umano ni Richard Gutierrez ang kanyang asawang si Sarah Lahbati.

$ads={1}

Ayon sa source ni Fermin, kung di lang daw pinigilan ng kapatid nitong si Ruffa Gutierrez ay magsasampa na sa umano ng kaso si Richard. Umiiyak raw si Ruffa na kinumbinsi si Richard na wag ng ituloy ang pagsampa ng kaso alang-alang sa kanilang mga anak.

“Dapat po noong nakaraang linggo pa, noong Lunes ay nagsampa na ng demanda si Richard Gutierrez laban kay Sarah Lahbati pero napigil,” tsika ni Cristy sa “sabi ni Fermin

$ads={2}

“Ang sabi ng kanyang abogado, ayon sa aking source, ‘Tayong dalawa ay nag-uusap. Okay na sa iyo ito, okay na rin sa mommy mo pero kausapin mo muna ang buong pamilya mo.’ Na ginawa naman po ni Richard,” dagdag pa niya.

“Ang unang-unang kumontra, si Ruffa Gutierrez. Umiiyak si Ruffa, ang sabi niya, ‘Chard huwag na lang. Let’s wait for the right time.’ Kasi 10 years old na ngayon si Zion. Alam na raw tumutok sa social media, nagbabasa na. Alam na ang mga nagaganap. Nakakaawa naman daw ‘yung mga bata. ‘Yun ang sabi ni Ruffa. At ‘yun din naman ang sinabi ni Tito Eddie at ng iba pang mga kapatid.”sabi pa ng kulumnista 

Nahimasmasan naman si Richard at maging ang inang si Annabelle Rama ay umayon din na ipagpaliban muna ang demanda kontra kay Sarah.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form