Vhong Navarro tapat na inaming nasakatan siya ng mag-resign si Billy Crawford sa Its Showtime

 

Photo Credits: @vhongx44,@billycrawford/instagram

Tapat na inamin ng tv host na si Vhong Navarro na umanoy nasaktan siya sa ginawang pagresign ni Billy Crawford noon sa Its Showtime.

$ads={1}

"Ikaw ba'y nasaktan nung si Billy ay nawala sa [It's] Showtime at nagkaroon ng bagong show na tumapat naman sa atin? Sa totoo lang," tanong ni Ogie kay Vhong 

"Wow, ganda ng tanong mo. Alam mo para maging clickbait yan, di ko sasagutin. Hindi! Sasagutin ko yan syempre. Actually, hindi ako nagtampo nung nakatapat natin siya nung LOL. Totoo 'to ha. Totoo 'to ha. 'Di ako nagtampo. Alam mo san ako nagtampo? Nung nag-resign siya sa [It's] Showtime. Bakit? Kasi sobrang mahal namin yung show. Ano kami dun, tandem talaga kami. Ang sinasabi ni Billy, BillyVhong nga e, BillyVhong, ang sinasabi niya sa akin kaya siya nilagay doon para ka-tandem ko. Taga-salo. 'Yun yon. Kaya nung nawala siya sobrang miss ko siya, hindi lang sa sayaw, sa prod, sa Magpasikat pati dun sa mga hosting. Dun ako nagtampo nung nag-resign siya pero naiintindihan ko kung ano yung rason niya kung bakit siya nag-resign. Klaro yun," sabi ni Vhong 

$ads={2}

Kaya tinanong ulit siya ni Ogie ng: "Pwede mo bang isiwalat kung ano yung dahilan na yun?"

"Hindi e kasi at that time kailangan niyang maging family man. Kailangan niyang mag-concentrate sa pagbuo niya ng pamilya niya. Kailangan niya ng quality time kay Coleen at sa magiging anak niya. 'Yun naman yon. Malinis naman yon kaya naiintindihan [ko iyun] kaya nagtatampo ka lang kasi sayang, 'di ba?"paliwanag ni Vhong 




Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form