Xian Gaza pinuna ang naging sagot ng ina ni Andrea Brillantes sa isang basher

 

Photo Credits: Christian Albert Gaza(Facebook)/@belle_brillantes(instagram)

Tila hindi nagustuhan at pinangaralan ng social media influencer na si Xian Gaza ang ina ni Andrea Brillantes sa naging sagot nito sa basher kamakailan.

$ads={1}

Marami kasing nagsilabasang rumors tungkol kay Andrea at Daniel Padilla kaya may isang netizen ang nagtatanong sa kanyang ina kung paano raw niya pinapalaki ang kanyang anak.

“Paano? Napagtapos niya sa school mga kapatid niya, nakapagpagawa ng bahay, may sariling negosyo. Ikaw, anong ambag mo sa mundo?” sagot ng ina ni Andrea sa basher na si Belle Brillantes

Kaya naman sa kanyang post sa Facebook ay naglabas ng saloobin si Xian sa naging sagot ni Belle. 

$ads={2}

Sabi niya: "Mommy Belle, hindi ka po dapat proud na si Andrea ang nakapagpagawa ng bahay niyo at nakapagpatapos ng mga anak mo sa school. Kasi kapag ipinagsigawan mo po ito eh para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko. Hindi ko po kayo maaaring husgahan dahil hindi ko po alam ang buong kwento ng inyong pamilya. Ang akin lang eh mag-ingat po tayo sa mga binibitawang salita in public at huwag magpadala sa silakbo ng damdamin."

Nagbigay rin ng mensahe si Xian sa publiko tungkol sa responsibilidad ng isang magulang: "To the public, responsibilidad ng isang magulang na mapagtapos kayo hanggang grade 12. Bonus na lang yung college. Responsibilidad din nito na mabigyan kayo ng maayos na tahanan. Hindi niyo responsibilidad yung mga kapatid ninyo. Tumutulong lang kayo sa kanila out of pagmamahal. At kung natulungan nila kayo, ayan ay tinatawag na utang na loob. Huwag niyo silang abusuhin. Hindi nila kayo obligasyon. Hindi nila kasalanan kung bakit hindi makapag-provide ng maayos yung mga magulang niyo. Mahigpit na yakap sa lahat ng mga Ate at Kuya na breadwinner ng pamilya!"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form