Brenda Mage muntik mabalian matapos lundagan ng kanyang fan

 

Photo Courtesy: Brenda Mage/Facebook

Sumakit ang ilan sa parte ng katawan ng komedyante at dating Pinoy Big Brother housemate na si Brenda Mage matapos talunan siya ng isang fan sa dance showdown kamakailan sa Butuan City.

$ads={1}

Kwento niya sa kanyang Facebook Live: "Masakit 'yung ribs ko. Feeling ko 'yung ribs ko ang tinamaan kagabi. And masakit din sa akin is my back and lower back. Pero tolerable naman 'yung pain,"

Makikita sa video na ipinost ng JanJed Tv na sinayawan si Brenda sa stage ng isang lalaki ngunit sa kalagitnaan ng kanilang performance ay biglaan siyang tinalunan ng lalaki. Sa kasamaang palad ay bumigay ang inuupuan ni Brenda kaya bumagsak sila sa sahig at nadaganan ng nasabing lalaki.

$ads={2}

Agad namang um-exit ng stage ang lalaki matapos magsori kay Brenda.

Pasalamat naman si Brenda dahil hindi nabagok ang kanyang ulo o natusok ng mga nabaling bahagi ng upuan.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form