P.A. ni Dra. Vicky Belo pinalipad papuntang Paris para bumili lang ng cake

 

Photo Courtesy: @victoria_belo/instagram 

Maraming netizens ang napa "Sana All" sa rebelasyon ng Personal Assistant ni Vicky Belo na kung saan lumipad ito papuntang Paris para makabili lang ng cake.

$ads={1}

Sa vlog ni Belo ay nakasama nila ng kanyang asawang si Hayden Kho ang tungkol sa kanilang mga empleyado na sina Millet and Marife.

Sa naturang vlog, ay tinanong ni Hayden ang kanilang mga P.A. ang tungkol sa kanilang mga di malilimutang karanasan habang nagtatrabaho kay Belo. 

Kuwento ni Millet, nagpunta raw siya sa Los Angeles na balikan lang ang trip dahil may kailangan siyang bilhin para kay Vicki. “Yun yung bago mag-lockdown sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.”

$ads={1}

“Kaka-land lang niya sa L.A. biglang sinabi magsasarado daw ang Pilipinas. So binili lang niya yung kailangan niyang bilhin, tapos bumalik na siya ng Manila.” sey naman ni Hayden 

Inalala rin ni Millet ang time na pinapunta siya ng France para bilhin ang cake na gusto ni Belo na umabot raw ng 2 days travel kasama na ang arrival at departure.

Kinumpirma naman ni Belo ang sinabi ni Millet at aniya nangyari raw ito ng magcrave siya ng cake: “Kapag naglilihi na ako, na hindi naman buntis, ng Jean-Paul Hevin cake na napaka-favorite ko, sasabihin ko, ‘Millet, pumunta ka naman ng Paris, bumili ka ng cake, o’,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form