Xyriel Manabat bet makapareha si Andrea Brillantes sa isang GL project

 

Bet umano ng dating child star na si Xyriel Manabat na makapareha sa isang GL project ang actress na si Andrea Brillantes.

$ads={1}

Nireveal ito ng actress sa recent media conference ng ABS-CBN sa teleseryeng “Senior High,” na kung saan inamin niyang willing siyang gumanap para sa isang role ng GL project. 

Willing din umano ang actress para sa kissing scene. Kaya natanong si Xyriel kung bakit siya komportable na magkaroon ng kissinng scene sa kapwa babae.

Aniya: “Feel ko, kung tatanungin ako, sa on-screen kissing scene, gusto ko talaga sa babae. Kasi, feeling ko, mas komportable ako ‘pag ganoon. Feeling ko, mas walang ilangan, less issue, less hassle" 

$ads={2}

Nang tanungin ang actress kung sino ang gusto niyang makapareha ay diretsahan niyang inamin na si Andrea Brillantes ang kanyang gusto.

“Open naman po ako for any, pero dati kasi, bago ako bumalik sa taping ulit, may mga kaasaran po ako, tapos sabi ko pag ikaw, pag ikaw pinormahan ko, tapos kinakantahan ko siya, kinakantahan ko siya, tinititigan ko siya sa mata, tapos kinikilig naman siya sa akin. “Basta matalik ko po siyang kaibigan. Tumatawa siya ngayon. Kinikilig siya ngayon, naaalala niya kasi,” sabi ni Xyriel 

Nang tanuning naman si Andrea sa kanyang reaksyon ay sinabi nitong: “If ever lang naman po, I would be comfortable doing that scene with my best friend. And si Xyriel, magaling siyang actress, e. Marami po kaming makukuha sa isa’t isa,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form