Cristy Fermin naglabas ng saloobin sa nagviral na video at photos nina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales

 


Naglabas na ng kanyang saloobin si Cristy Fermin sa nagviral na video at mga larawan ng actress na si Kathryn Bernardo at Jericho Rosales.

$ads={1}

Spotted kasi kamakailan ang dalawa birthday ni Johnny Manahan at namataan din sila na magkasamang nagjo-joging.

Kaya sa show ni Fermin ay sinabi niya na baka may gagawing project umano ang dalawa.

"Ang tanong natin, 'Anong paramdam ito?' Una, nagkita sila dun sa birthday celebration ng taong pinagkakautangan nila at tinatanawan ng utang na loob, si Mr. M, Direk Johnny Manahan. Sumunod, sa isang bar. Sumunod, nagja-jogging na sila. 'Anong paramdam ito?' yun ang tanong ng ating mga kababayan. Ako, pakiramdam ko, may gagawing proyekto. Yun lang ang pumasok sa isip ko," sabi ni Fermin 

$ads={2}

Hindi rin naniniwala si Fermin na mayroong relasyon ang dalawa.

"Parang pinapalabas na, 'Ano ba yan? Ang aga-aga nakipag-relasyon agad si Kathryn kay Jericho.' Hindi po totoo yan, ganun naman po ba kadali yun? Tatlong meetings lang, tatlong pagkikita, sila na agad? Meron po itong pinaghahandaan siguradong proyekto, ika nga, testing the waters po ito," dagdag pa nito 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form