Dominic Roque lagi umanong naka-abang sa tapat ng bahay ni Bea Alonzo

 

Photo Courtesy: @dominicroque,@beaalonzo/instagram

Ibinunyag ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog ang tungkol sa sinabi ng kanyang source na umanoy laging naka-abang si Dominic Roque sa tapat ng bahay ng ex niyang si Bea Alonzo.

$ads={1}

Kaya feeling raw ni Ogie na baka magkabalikan ang dalawa: "Feeling ko talaga, magkakasundo, magkakaayos... Baka, magkabalikan itong si Bea at si Dominic." sabi ni Ogie 

"Dahil alam mo ba, ilang gabi na raw na nandun sa harap ng bahay ni Bea si Dominic. Andun lang ito sa kotse, hinihintay ang pagdating ni Bea. Nakasindi nga yung kanyang makina. O, andun ang siya waiting" dagdag pa nito 

Ikinuwento pa ni Ogie ang umanoy ginawa noon ni Dominic nang nanliligaw pa ito kay Michelle Vito na girlfriend ngayon ni Enzo Pineda. At hindi na raw kataka-taka na magagawa rin ng actor ito kay Bea.

$ads={2}

"'Yun ay ayon sa source ko, alam mo naniniwala ako sa source ko. Kasi, 'nung nililigawan pa ni Dominic si Michelle Vito na ngayon si Michelle Vito ay jowa na ni Enzo Pineda, 'nung sila pinipigilan pa noon at 'di pabor mommy ni Michelle Vito kay Dominic."sabi ni Ogie 

 "Ay, alas singko ng umaga bago mag alas sais, andun sa La Salle, sa tapat ng La Salle naka-park lang si Dominic Roque hinihintay ang pagdating ni Michelle Vito" sabi pa ni Ogie 

 "'Yun ay ayon sa source ko. Pwera nalang kung i-deny ni Dominic." aniya pa 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form