Donny Pangilinan nagreact na sa isyung nasapawan umano sila nina Maris Racal at Anthony Jennings

 

Photo Courtesy: @donny,@mariesteller/instagram

Nagreact na ang actor na si Donny Pangilinan sa isyu na umanoy nasapawan sila nina Anthony Jennings at Maris Racal sa seryeng "Cant Buy Me Love".

$ads={1}

Matatandaan kasi na nagsimula ang sapawan issue na ito matapos umani ng papuri ang galing sa pag-arte nina Maris at Anthony sa nasabing serye.

Kaya naman sa isang episode ng online show na Marites University ay napag-usapan ito ng mga host na sina  Jun Nardo, Rose Garcia, at Ambet Nabus.

Marami raw kasi ang naaliw sa dalawa lalo na sa batuhan nito ng mga linya dahil parang natural na natural raw ang dating.

$ads={2}

Ayon sa ulat ng isa sa mga host na si Ambet, kahit wala raw si Maris ay kayang-kaya parin daw na magsa-shine si Anthony. Sinabi pa nito na kung magtapos na ang nasabing serye ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng tambalan ang dalawa at sila na ang bida.

“Pero ang naging reaksyon na nga lang ni Donny, wala. natawa lang siya. Kasi parang ano pa nga ba ang iko-comment niya? E, ganoon talaga ang eksena sa mga ganoon,” saad ni Ambet.

Dugtong pa nito: “Kaya mga Donato fans dyan, relaks lang. Chill.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form