Juliana Pariscova gustong bumalik sa Its Showtime; may mensahe kay Vice Ganda

 

Photo Courtesy: Ogie Diaz(Youtube)/@praybeytbenjamin(Instagram)

Gusto umano bumalik sa Its Showtime si Juliana Pariscova na kung siya nakilala. Ito ang naikwento ni Juliana ng makausap siya ni Ogie Diaz sa vlog nito.

$ads={1}

Matatandaan na naging usap-usapan si Juliana na umanoy naghihirap kaya binigyan niyang linaw ito sa vlog ni Ogie: "'Di naman naghihirap, di rin naman super yaman. Per siyempre, kailangan lang nating gumalaw, araw-araw. Sa trabaho naman namin Mama Ogs. hindi naman lagi meron. Ginagawa ko ang lahat para hindi ako bumalik sa dati." 

Nang tanungin siya ni Ogie kung game pa siyang bumalik sa Its Showtime na kung saan matatandaang doon siya nakilala matapos siyang manalo bilang Miss Q&A 2018: "Kahit yung mga nakakasalubong ko lang, lagi nilang sinasabi na 'o, 'di na kita nakikita, kailan ka babalik ng Showtime,"sabi ni Juliana

"Ang sinasagot ko nalang sa kanila, soon... ganyan, para mag-manifest. Kasi kahit ako, gusto kong bumalik kasi 'dun naman ako talaga unang sumampa. 'Dun pinanganak si Juliana Parizcova Segovia. So para sa akin, mahal na mahal ko yung bahay na 'yun, 'yung show na 'yun dahil dun nagsimula ang lahat," dagdag pa nito 

$ads={2}

Na-ikwento rin niya ang umanoy pagreach-out niya kay Vice Ganda: "Kung effort lang din ang pag-uusapan, nag-exert din naman ako ng effort lalo na kay Vice. Nag-effort din naman ako. Nagpi-PM ako sa kanya. Natatandaan ko even after election, parang merong isang portion sa Showtime na nabanggit niya ako so nag-thank you ako."sabi ni Juliana 

"Sabi niya welcome. Sabi niya deserve mo naman 'yun na mabanggit. And kahit itong recently lang, nung Magpasikat nila this 2023. Parang nagkabati sila ni Billy. So nag-reach out ako sa kanya, nag-congratulate ako sa team nila. Nag-sorry ako kung na-offend ko man siya noon." sabi pa niya

"Wala, nag-seen. Pero feeling ko busy lang siya nu'n. Kasi before that naman nakapagreply naman siya sa'kin na yun nga nabanggit niya ako sa Miss Q and A, nakapagreplay naman siya noon" dagdag pa nito 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form