Actress na umanoy ina ng isa pang anak ni Baron nagreact sa rebelasyon ni Baron Geisler

 

Actress na umanoy ina ng isa pang anak ni Baron nagreact sa rebelasyon ni Baron Geisler

Nahingan umano ng reaksyon ni Cristy Fermin ang actress na umanoy ina ng isa pang anak ni Baron Geisler.

$ads={1}

Matatandaan na sa panayam ni Ogie Diaz kamakailan kay Baron ay inamin ng actor na may isa pa siyang anak na babae.

"I have someone out there... Another one. I hope someday when things are okay, we'll get to talk with her here, Hi anak! Kumusta?"sabi ni Baron sa nasabing panayam 

Sa isang youtube show ni Fermin ay ibinahagi niya ang umanoy sinabi ng ina ng isang anak ni Baron na isang actress.

$ads={2}

"Wala akong alam. Wala na akong pakialam sa kanya. Hindi ko siya sinusundan, Hindi ko siya pina-follow. Mag-isa kong pinalalaki ang mga anak ko. Diyos lang ang katabi ko sa pagpapalaki sa kanila. Hindi ko alam kung ano 'yung sinasabi niya," sabi umano ng ina ng isa pang anak ni Baron 

Hindi na pinangalanan ni Fermin kung sino itong ina ng anak ni Baron bilang pagsunod umano sa kanilang napagkasunduan ng sila ay magka-usap.

"'Gusto ko lang magpasalamat sa aktres na nakausap ko. Maraming salamat dahil pinayagan mo akong magsalita tungkol sa isyung ito. Maraming salamat dahil sabi mo nga, wala ka nang panahon pa para i-entertain ang ganitong klase ng usapin ngayon dahil tahimik ka nang nagtatrabaho at napakaraming problemang iniwan sa'yo ng asawa mo. Inirerespeto namin yun. Unang-una yung pagrespeto sa loob ng 16 na taon. Siguro'y sobra pa sa sapat ng respetong hinihingi mo mula sa akin" sabi ni Fermin


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form