Baron Geisler umaming nanginginig sa kissing scene nila ni Cristine Reyes

 

Baron Geisler umaming nanginginig sa intimate scene nila ni Kristine Reyes
Photo Courtesy: @viva_films/instagram

Tapat na inamin ng actor na si Baron Geisler na umano na umanoy naninginig siya sa kissing scene nila ni Kristine Reyes sa movie na  “Dearly Beloved” mula sa Viva Films.

$ads={1}

Ayon pa kay Baron muntikan na raw siyang magpacheck ng kanyang BP dahil para na raw siyang nahimatay.

Kwento ni Baron base sa artikulo ng Bandera: “I always make sure na kapag…sa bawat eksena namin, kakatok ako sa room niya, talagang nagpapabango ako, nagtu-toothbrush ako, para hindi ako amoy usok,”

“Tapos nu’ng nabasa ko sa script, may ano nga (intimate scene) kami. Kaya tinanong ko si Cristine kung may kissing scene ba sila ni Empoy (sa pelikulang Kidnap For Romance). Sabi niya, ‘oo’. Lips to lips ba? Sabi niya, ‘oo.’  Oh, swerte ni Empoy, ah.

$ads={2}

“Sabi ko paano siya nakakuha ng confidence? ‘Wala ginawa lang namin’, sabi ni Cristine. Kasi, di ba? Nandu’n sa script (halikan)…nanginginig talaga yung kamay ko,” pag-alala ni Baron.

“Then I talked to Direk, sabi ko, ‘Direk, parang hindi ko kayang gawin ‘to. Para akong mahihimatay. Muntik na ‘kong magpa-check ng BP, walang joke. And it’s not even a torrid (kissing scene).

“Pero dahil nga na-starstruck ako (at hindi na nakapagsalita), sabi talaga sa akin ni Cristine, ‘Tama na yan Baron, tapusin na natin ‘to’, yun, nabuhay ako bigla, nahiya talaga ‘ko. So sabi ko, sige shoot na natin ‘to!” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form