Ilang netizens hinahanap si Karylle sa guesting ng Its Showtime Family sa "Family Feud"

 

Ilang netizens hinahanap si Karylle sa guesting ng Its Showtime Family sa "Family Feud"
Photo Courtesy: @anakarylle,@familyfeudph/instagram

Bakit nga ba wala si Karylle sa guesting ng Its Showtime sa Family Feud? Ito ngayon ang tanong ng ilang netizens matapos maglabas ng teaser ang Family Feud sa guesting ng Its Showtime Family sa nasabing show.

$ads={1}

Sa nasabing teaser kasi ay hinati sa dalawang grupo ang mga host ng Its Showtime. Ang isa ay pinangunahan ni Vice at kanyang mga members ay sina Amy, Jhong, and Jugs. 

Samantala ang isang team naman ay pinangunahan ni Anne Curtis at ang kanyang mga members ay sina Vhong, Ogie, at Teddy. 

$ads={2}

Ang naturang episode ay mapapanood sa darating na April 8.

Base sa teaser ay mukhang masaya ang mga Its Showtime host sa kanilang bardagulan at kapansin-pansin rin na mukhang masaya rin si Dingdong.

Sa comment section ng post ng Family Feud, ay kapansin-pansin na maraming netizens na ang excited na mapanood ang naturang episode ngunit may ilang netizen rin ang tinanong kung bakit wala si Karylle. 




Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form