Maymay Entrata kinurot si Vhong Navarro matapos siyang yayain na sumalang sa "EXpecially For You"

 

Maymay Entrata kinurot si Vhong Navarro matapos siyang yayain na sumali sa "EXpecially For You"
Photo Courtesy: ABSCBN Entertainment/Youtube

Pabirong kinurot ni Maymay Entrata ang Its Showtime host na si Vhong Navarro matapos siya nitong yayain na sumalang sa "EXpecially For You."

$ads={1}

Sa latest episode kasi ng Its Showtime ngayong araw, March 14 ay naging guest si Maymay sa naturang show para magperform ng kanyang kantang "Puwede Ba."

Pagkatapos ng kanyang kanta ay pabiro siyang tinanong ni Vhong kung pwede ba siyang sumali sa "EXpecially For You."

$ads={2}

Ngumiti lang si Maymay at pabirong kinurot si Vhong dahil sa tanong nito. Matatandaang may mga espekulasyong hiwalay na si Maymay sa non-showbiz boyfriend nitong si Aaron Haskell matapos mapansin ng ilang netizen na hindi na niya pina-follow si Aaron sa Instagram. 

Wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ng dalawa kung totoo nga ba ang tsimis na ito.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form