Rita Avila umalma sa mga nambabatikos sa mga anak ni Jaclyn Jose

 

Photo Courtesy: @msritaavila/instagram

Umalma ang actress na si Rita Avila sa mga taong nambabatikos sa mga anak ng yumaong si Jacklyn Jose na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Guck.

$ads={1}

Sa post nito sa instagrama ay ibinahagi ni Rita ang photo collage sa mga larawan nina Jaclyn, Andi at Gwen.

Kasabay nito ang pagtatanggol niya kay Andi at Gwen. Sabi niya:

"Tulad ngayon, ang daming kuro-kuro. “Sana kasi ganito ang ginawa”. “Dapat kasi ganyan ang ginawa”. “Bakit naman kasi ginanun”.

$ads={2}

"Kasama ka ba nila sa bahay mula ng isinilang ang mga anak ni Jaclyn Jose? Naranasan mo bang pumasok sa isip at katawan nila kaya alam mo ang tinahak ng bawat isa sa kanila? Nasa lugar ka ba para kwestyonin at ipa-guilty pa ang mga naiwan?

"I-REST IN PEACE NA MUNA PO ANG ISIP AT BIBIG kung walang buti ang idudulot nyo sa mga naiwan.

"MASAKIT NA PO MASHADO ANG NANGYARI SA KANILA. Hinay-hinay po.

"Hindi lahat ng nababasa o nakikita nyo ay totoo. Marami ang nasisilaw. Marami ang makakapal. Parang totoo pero hindi.

"Ipagdasal na lang natin si Jaclyn at ang kanyang pamilya.

"Sa isang post ko na ang wishful thinking ko ay sana may “KATE” din si Jaclyn, mabuting wish un para sa isang naging kaibigan dahil malungkot nga daw sha sa pagiging mag-isa at dahil alam ko ang advantage ng may kasamang nagmamahal, nag-aasikaso at nagpapasaya sa akin. PERO HINDI KO KWINESTYON ANG SITWASYON NYA. WALANG KINALAMAN UN SA MGA ANAK NYA. I TRUST HER AND HER CHILDREN FOR ALL THEIR DECISIONS." 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form