Vhong Navarro ibinunyag kung sinong artista ang gusto niyang makatrabaho sa GMA

 


 Ibinunyag ng Its Showtime host na si Vhong Navarro kung sino ang kapuso star na gusto niyang makatrabaho ngayong nasa bakuran na sila ng GMA.

$ads={1}

Sa panayam ng GMA sa host ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa collaboration ng Its Showtime at GMA. 

"Alam mo sobrang excited na ako na mag-April 6 kasi ‘yung pagtanggap n’yo sa amin sobrang alam mong napakatotoo, talagang welcome na welcome kami. Kaya naman gusto naming ibalik ‘yun nang doble ‘yung saya na ipapakita namin sa ating Madlang Kapuso para ibalik ‘yung mainit na pagtanggap n’yo sa amin.”sabi ni Vhong 

“Kaya naghahalo-halo ‘yung nararamdaman ko ngayon, saya na hindi makapaniwala na parang nangyayari pala ito. Kaya talagang grateful ako sa ating mga Kapuso.”dagdag pa niya 

$ads={2}

Nang matanong niya kung sinong artista sa GMA ang gusto niyang makatrabaho ay sinabi niya na si Michael V.

“Sa mga kuwento ni Kuya Ogie [Alcasid] parang kapag nakasama ko siya, bukod sa tawanan, marami akong matututunan sa kanya. Kasi ang Michael V. ay isa sa mga haligi sa komedya na gusto ko siya makatrabaho.”sabi ni Vhong 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form