Dahil kay Jessica Soho, Vice Ganda hindi pa umano 100 percent happy

 

Para sa komedyanteng si Ogie Diaz, feeling umano niya ay hindi pa 100 percent happy si Vice Ganda sa pagtungtung niya ngayon sa GMA Network dahil kay Jessica Soho.

$ads={1}

Sa Showbiz Update Vlog ni Ogie Diaz ay kanilang natalakay ang tungkol sa ilang netizens na binalikan ang issue noon nina Vice at Jessica.

Nagjoke kasi si Vice sa kanyang concert noong 2013 na kung saan sinabi niya na kung magiging b*ld star sa pelikula si Jessica ay kailangang “gang r**e”.

Saad ni Vice, “Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-b**d. Kailangan gang r**e lagi. Sasabihin ng ra**st, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘Eh nasaan ‘yung apple?’”

$ads={2}

Humihingi na si Vice ng sorry kay Jessica ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagbigay ng pahayag si Jessica sa kanyang kapatawaran sa komedyante.

Kaya naman sa vlog ni Ogie ay sinabi niya na: “Feeling ko, para maging buo, as in 100 percent ‘yung happiness ni Vice sa kanyang pagtuntong sa GMA, feeling ko ‘yan na lang ang kulang, ‘yung kapatawaran ni Jessica Soho sa kanya at ‘yung pagsisimula ng kanilang friendship kung mabibigyan ng pagkakataon,”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form