FranSeth nagreact na matapos silang sabihang “the next KathNiel.”

 

Nagreact na ang isa ngayon sa kilalang Kapamilya Loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa bansag sa kanila na sila na ang next KathNiel.

$ads={1}

Sa isang panayam ay sinabi ni Seth na hindi nila mapapalitan ang KathNiel at gusto nila na makilala bilang si Seth at Francine.

 “Hindi namin mapapalitan ang KathNiel. Gusto naming makilala as Seth and Francine. Ang KathNiel, gusto naming marating ang narating nila pero hindi papalitan. Iniidolo namin sila sa kung ano ang nakamit nila. At ‘yun ang pangarap namin. Kung saan sila nakapunta, sana nakapunta rin kami sa sarili po naming paraan.”sabi ni Seth

“Ibang-iba po talaga ‘yung path nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at kung paano sila naging successful. Kapag sinabing the next KathNiel, parang sinasabi na kung anong pinagdaanan nila, dadaanan din namin. Nakaka-pressure po kasi nakikita nila sa amin ‘yung KathNiel noon. But at the same time po, mas gusto naming makita nila as kami at hindi ibang tao,” sabi naman ni Francine

$ads={2}

Ayaw rin daw ni Seth maging si Daniel: “Hindi ako magiging Daniel. Napakalabo po nu’n. Ang FranSeth po, hindi magiging KathNiel. Ayaw naming maging KathNiel,” punto niya. “Hindi biro ang naabot ng KathNiel. Pagdating sa trababo, hindi biro ‘yan. Kung ano ang nabigay nila sa industriya, ang naibahagi nilang talento, hindi biro yun.”

Ayon pa kay Francine magkaibigan raw sila nina Kathryn at Daniel: “Don’t get us wrong. We love KathNiel po. Naging friends po namin sila. Actually, si Ate Kathryn po kapag nagkakasabay kami sa trabaho, nagbabatian kami. Mabait po sa akin si Ate Kath, at siyempre po si Kuya DJ,”

“‘Yun lang po talaga. Gusto lang po namin klaruhin na hindi po kami ang susunod sa KathNiel at hindi po namin papalitan yung KathNiel,” dagdag ni Francine.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form