Kaye Abad nagreact sa bansag ni Mo Twister na "ugly version" siya ni Iza Calzado

 

Nagbahagi na ng kanyang reaksyon si Kaye Abad sa bansag sa kanyang ni Mo Twister na umanoy "ugly version" siya ni Iza Calzado.

$ads={1}

Sa isang episode kasi ng "Fast Talk With Boy Abunda" ay isa sa kanilang napag-usapan ang mga insecurities ng actress sa kanyang sarili.

Diretsahan kasing inamin ni Kaye na " "Oo, palagi. Ewan ko Tito Boy, insecure ako." nang matanong siya ni Abunda kung patuloy pa rin ba siyang nagkakaroon ng mga insecurities sa kanyang sarili matapos ang maraming taon sa harap ng mga tao.

"Sa height ko, na sabi ko nga magpapa-chiropractor ako baka tumaas-taas pa ako kahit 1 inch lang. Magpapa-stretch lang ako ng konti. Sa height ko, insecure ako sa height ko." sabi ni Kaye 

$ads={2}

Dagdag pa niya: "Sa itsura ko, oo. Tuwing mag-g-guest ako sa 'yo, yun talaga yung topic na hindi talaga. "Titignan ko yung mukha ko sa salamin palagi na hindi ako pangit, hindi ako napapangitan sa sarili ko. 

Natanong naman siya ni Tito Boy na"If you were to look like someone, who comes to mind first?" at diretsahang sumagot si Kaye na "Iza Calzado" 

"Sinabi nga ni Mo Twister yun e, na ako raw ang ugly version ni Iza Calzado. At sinabi ko kay Iza Calzado yun, at tatanggapin ko yun. At least ugly version." sabi ni Kaye 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form