Kilalang Pares vendor na si Diwata pasok na sa Batang Quiapo

 

Pasok na sa hit series na FPJ's Batang Quiapo ang kilalang "Pares" vendor na si Diwata. Kinumpirma ito ni Diwata sa panayam ng kapwa niya vlogger na Art TV.

$ads={1}

Kuwento ni Diwata sa naturang panayam, nakakapag-taping na raw sila sa nasabing teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ilan sa mga nakasama niya sa taping ay sina Ivana Alawi, Kim Rodriguez at mismong si Coco Martin. Aniya hindi pa raw niya alam kung kailan ang susunod niyang taping.

$ads={2}

“Abangan n’yo ako du’n,” sabi ni Diwata

Maraming namang netizens ang natuwa at excited nang mapanood si Diwata sa nasabing serye.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form