Nino Muhlach isinugod sa ospital

 

Photo Courtesy:Niño Muhlach/Facebook

Isinugod sa ospital ang actor na si Niño Muhlach dahil sa kanyang nararamdamang sakit habang nagte-taping sa hit series na "Batang Quiapo" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

$ads={1}

Sa kanyang Facebook live nito lamang Miyerkules, April 10 ay ibinahagi ng actor na sobrang sakit umano ang nararamdaman ng kanyang ilong dahil sa tumutubo umano nitong tigyawat. 

Kaya nagpa-alam na raw siya sa taping ng "Batang Quiapo" dahil hindi na raw makapag-arte ng maayos dahil sa sobrang sakit.

$ads={2}

“Sobrang sakit na ng ilong ko. May tigyawat sa loob, ayan namamaga na o,” aniya.

“Wala na, sobrang sakit talaga. Hindi ko na kayang mag-dialog tsaka hindi na ako makaararte nang maayos,” dagdag niya. 

Matapos ang gamutan ay balik naman agad si Nino sa taping: "Guys nakabalik na po ako dito sa shooting namin ng BQ thank you po Dra. Ortiz & Paul Ed Ortiz  of Ortiz skin clinic"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form