Ria Atayde tatlong buwan na raw na buntis ani source ni Cristy Fermin

 

Ria Atayde tatlong buwan na raw na buntis ani source ni Cristy Fermin
Photo Courtesy: @ria/instagram

Tatlong buwan na umanong buntis ang actress na si Ria Atayde sa unang baby nila ni Zanjoe Marudo ayon sa source ni Cristy Fermin.

$ads={1}

Ibinahagi ito ng beteranang culumnist sa isang episode ng kanyang show na "Cristy Ferminute".

“Tungkol po doon sa pagdadalantao ni Ria Atayde, mas maganda po kung diretso nating maririnig ang pag-amin mula sa mag-asawa o kaya ay sa kani-kanilang pamilya,” sabi ni Fermin

“Pero may source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalantao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde,” sabi pa ni Fermin

$ads={2}

Matatandaan na sa isang panayam ay itinanggi ng kapatid ni Ria na si Gela ang tsismis na umanoy buntis ang actress. Aniya milagro lang umano na magkakababy si Ria dahil meron raw itong  polycystic ovary syndrome o PCOS.

Ikinasal sina Zanjoe at Ria noong March 23, 2024 sa isang civil wedding ceromony.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form