Ang cute! Sharlene San Pedro ibinida ang kanyang audition video noon sa Goin Bulilit

 

Photo Courtesy: sharlene.sanpedro/Tiktok

Ibinida ng dating Goin Bulilit star na si Sharlene San Pedro ang kanyang pag-audition noon sa kid komedy gag show ng Kapamilya Network na Goin Bulilit.

$ads={1}

Ibinahagi ito ni Sharlene sa kanyang TikTok account na kung saan sa naturang video ay makikita na gumagawa siya ng cute na poses para sa kamera noong kanyang audition. 

Ipinost ito ni Sharlene kasunod ng pag-anunsyo ng ABSCBN na magbabalik na ang nasabing show. "Balita ko ibabalik daw ang Goin' Bulilit sa TV. May audition daw ngayong May 25 sa ABS-CBN. For more details, punta na lang kayo sa post ng ABS-CBN kasi nandiyan na 'yung buong detalye ng audition na magaganap sa Sabado," sabi ni Sharlene 

$ads={2}

"Pero kaya ako gumawa ng video na ito kasi gusto kong ipakita sa inyo 'yung audition ko nung 5 years old ako. O di ba ang cute parang walang pinagbago... Excited na ako makita 'yung new batch. Good luck sa mago-audition!" dagdag pa niya 

@sharlene.sanpedro

Dahil babalik na ang Goin Bulilit sa TV panuorin niyo ang audition ko nung 5 years old palang ako. I challenge yung mga kabatch ko na iupload din yung audition nila 🤣

♬ original sound - Sharlene San Pedro

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form