Asawa ni Angeline binabash umano ngayon tungkol sa kung saan umano ito kukuha ng sustenteo sa lima nitong anak

 

Binabash umano ngayon ang asawa ni Angeline Quinto na si Nonrev Daquins tungkol sa kung saan umano ito kukuha ng sustento para sa kanyang mga anak.

$ads={1}

Ito ang naibahagi ni Cristy Fermin sa isang episode ng kanyang show na "Cristy Rice Ferminute." 

“Si Nonrev Daquina binabash-bash ngayon. Dahil ‘di ba nagpakasal na nga sila ni Angeline Quinto. Ano raw mangyayari kay Angeline e lima na ang anak ngayon nitong si Nonrev kasi may anak na siya sa una? Puro babae,”sabi ni Fermin 

$ads={2}

Sambat naman ng co-host niya na si Rommel Chicka: “Siyempre hindi naman po maiaalis sa atin na mag-isip kung ilan na ang anak niya, saan nga naman ba kukuha ng pangsustento ngayon si Nonrev? E, wala naman tayong napapabalitang negosyo niya,”  

“Dapat dahil siya ang ama ng tahanan dapat siya ‘yung nakikita ng publiko na nagtatrabaho talaga para hindi sinasabi na umaasa lang siya kay Angeline Quinto. Nakakalungkot naman ‘yang ganyan. Kaya ngayon, binabash-bash siya,” sabi naman ni Fermin  

Kaya naman payo ni Fermin kay Nonrev ay magtayo ito ng sariling negosyo para makita raw ng publiko na kaya niyang itaguyod ang kanyang mga anak sa ibang babae.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form