Cedric Lee at Deniece Cornejo hinatulan ng guilty sa kasong serious illegal detention

 

Hinatulan ng guilty ng Taguig Regional Trial Court ang negosyanteng si Cedric Lee, modelong Deniece Cornejo at dalawang iba pa sa kasong serious illegal detention na isinampa ng actor-host na si Vhong Navarro.

$ads={1}

Inanunsyo ito ng abogado ni Vhong na si Alma Mallonga nito lamang Huwebes, May 2 base sa ulat ng ABSCBN news.

Ayon pa sa report,  agad na ipinag-utos ng korte na ikulong si Deniece.Wala si Cedric sa promulgasyon ng kaso kaya ipinag-utos ang agarang pag-aresto rito.

$ads={2}

Inakusahan ni Navarro si Lee ng pagkulong sa kanya noong gabi ng Enero 22, 2014 sa isang condominium unit sa Taguig City, na kung saan siya ay sinaktan at tinakot din umanong papatayin ng mga akusado at humihingi ng pera para palayain ang aktor.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form