Coco Martin tapat na ibinunyag ang tunay ugali ni Diwata

Photo Screengrab from ABSCBN News/Youtube

Tapat na inamin ng Batang Quiapo star na si Coco Martin ang tunay na ugali ng "Street Food Sensation" na si Diwata.

Sa panayam ng ABSCBN News kay Coco ay tinawagan umano nila si Diwata kung pwede siyang maging bahagi ng Batang Quiapo: “Alam ko kasi busy siya eh. And noong dumating siya, tinanong ko siya. Sabi ko ‘gusto mo bang mag-artista?’ Sabi niya, ‘gusto po=.' 'Anong artista, gusto mo lang bang masubukan? O gusto mo talagang maging artista?' ‘Kahit ano po,’ y'un ang sagot niya.”

“Sabi ko, ‘pasensya ka na ha, alam mo naman sa trabaho namin 'pag nagsisimula ka, ganito lang ang buhay.’ ‘Wala pong problema’ sabi niyang ganoon.”sabi ni Coco

Inihayag din ni Coco ang pagiging determinado ni Diwata sa trabaho: “May committment 'yan, kami nagte-taping ng M-W-F (Mondays-Wednesdays-Fridays). Sabi niya, ‘kahit ano po wala pong ano’ kumbaga 'yung dedication nandoon. Siyempre nakikita ko sobrang lakas ng negosyo niya, busy siya, ang dami niyang nakakausap na tao.” 

“‘Sige, 'pag dumating ka sa set titignan ko 'yung kakayanan’. Eh nung nakita ko, in fairness sa kanya sa first scene, kinakabahan. Pero 'yung mga sumunod na eksena, nare-relax na nakikita ko na mayroon, may husay.”

Na-ibahagi rin ni Coco na umanoy sobrang mabait si Diwata: “Ang gusto ko sa kanya, kasi dahil galing din sa baba, alam mo 'yung naiintindihan niya 'yung trabaho ng lahat.  Hindi siya nagpapahintay, hindi siya sakit ng ulo. Nandun lang siya sa isang tabi, tahimik. Tapos nililibre pa nga kami, binibiro namin.”

“Ang bait niya. Nakakatuwa na ang sarap tulungan kasi nakikita mo 'yung tao na gusto niyang iimprove 'yung buhay niya, 'yung sarili niya. At alam niya 'yung puwesto niya. Ang sarap tulungan 'yung mga taong alam mong may pangarap at gustong may mangyari sa buhay.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form