Divina Valencia pumalag sa public apology ng FAMAS kay Eva Darren na umanoy hindi nila malocate ang beteranang actress

Photo Courtesy: Divine Valencia/Facebook

Pumalag ang beteranang actress na si Divina Valencia sa Public Apology ng FAMAS na umanoy hindi nila malocate ang batikang actress na si Eva Darren.

$ads={1}

Sa isang facebook post ay ibinunyag ni Divina na naka-upo umano sila ni Eva na halos kaharap sa stage.

"Hindi ko matatanggap ang dahilang napakalaking katarantaduhan na hindi makita si Ms. Eva Darren. Isa siya sa mga naunang dumating kasama ang kanyang apat na apo, umasang makikita ang kanilang grandma na papanhik sa stage. This excuse is so narrow. It's a big BS. Para lang makagawa ng dahilan.

Nakaupo kami sa table 10, halos kaharap namin ang stage magkatabi kami ni Ms. Eva Darren... Hindi ma-locate eh lahat ng mga artistang dumating my upuang nakapangalan ng bawat nakaupo?

$ads={2}

Imagine FAMAS, kung sino-sinong mga hindi naman taga-movie industry eh mga tumatanggap ng kanya-kanyang plaque. Tinatawag sa stage na nakakasilaw ang glitters ng mga gown, wala namang kinalaman sa showbiz. Tapos pinahiya, sinaktan ang isang Eva Darren na talagang isang icon at tumanggap ng FAMAS na totoong FAMAS.

Kahit sampung beses pa kayong mag-sorry, the damage has been done."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form