Jessa Zaragoza prangkang sinagot ang basher ns pinuna ang paghuhugas niya ng plato na naka makeup

 


Prangkang sinagot ni Jessa Zaragoza ang kanyang mga basher na pumuna sa kanyang paghuhugas ng plato na naka-makeup. 

Sa kanyang post sa Facebook ay ibinahagi ni Jessa ang screenshot ng mga komento sa mga pumuna sa kanyang paghuhugas. 

$ads={1}

"Para sa mga nambabash bakit daw naka full make up pa ako habang nag huhugas ng pinggan. O hayan. Buti nga nag explain pa ako. Hay. Tingin ko, kulang lang kayo sa ligo. Babad na kayo sa drum na may malamig na tubig!!! Dali!"sabi ni Jessa 

Samantala sa naturang screenshot ay mababasa ang komento ng basher: "Dapat ba full make-up washing the dishes?" 

Paliwanag ni Jessa: "Galing kasi akong show nyan. Pagkababa ng kotse, diretso sa kusina para mag hugas ng pinggan. Wala kaming katulong sa bahay kya ako lang nag huhugas ng pinggan sa bahay namin.

$ads={1}

"Di na ako nakapag palit ng damit at tanggal make up galing trabaho. Gawa agad ng naiwang gawaing bahay para matapos na at gabi na yan. Ok na ba sayo itong explanation ko?! Pasensya ka na ha".

"Kayo naman, wag na kayo mainggit. Kulang lang yan sa ligo init kasi ng panahon noh, sobra.

"Naka full make up po kasi galing akong trabaho nyan. Nag show. Di ba ako po si Jessa?! Singer po ako. Galing event. So naka Ayos.

"Di pa nga ako nakapag palit ng damit. Pagkababa ng kotse, diretso na agad ng kusina. Wala po kaming katulong sa bahay. Ako lang lahat sa bahay namin. Lalo na hugas ng pinggan. Ako lang yan.

"So minabuti ko ng tapusin na ang gawaing bahay agad bago umakyat sa kwarto para mag linis ng katawan, mag tanggal make up, kasi galing ngang trabaho sa labas. Pasensya na kayo ha. Ok na ba sainyo itong explanation ko? Ok na po ba?:-) Sensha na talaga. Di kasi scripted yan. Binigla lang akong kunan ni Jayda"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form