Jestoni Alarcon at kanyang anak naging emosyonal sa Expecially For You

 

Photo Courtesy: ABSCBN Entertainment/Youtube

Di mapigilang maging emosyonal ng mag-amang sina Jestoni Alarcon at Angela Alarcon sa kanilang guesting kamakailan sa Expecially For You episode ng Its Showtime.

$ads={1}

Sa naturang episode ay tinulungan ni Jestoni ang kanyang anak na makatagpo ng ka-match nito sa tatlong searchees at ang napili ni Angela ay si Geron, isang 27-year-old lawyer mula sa Pasig.

Nagbigay ng mensahe si Jestoni sa kanyang anak matapos nitong mapili si Jeron: “Lagi mong tandaan, kung nagiging makulit man kami sa ‘yo, eh ‘yun ay para naman sa kabutihan mo,” 

Nagbigay din ng mensahe Angela sa kanyang ama na kung saan di niya mapigilang maging emosyonal. Aniya: “Dad, maraming salamat sa walang pagsuporta mo sa akin sa lahat ng bagay ever since bata pa ako, you’re there, you’re always present sa mga family days ko, sa mga competitions ko, sa career ko sa showbiz nandyan ka.”

$ads={2}

“Pasensya na minsan kung laging may mga pasaway moments ako, pero gusto ko lang i-assure sa ‘yo na love na love ko kayo ni mommy,” dagdag pa niya 

Nagbigay rin ng mensahe si Jestoni sa napili ng kanyang anak: “Kung ano man ang kahihinatnan niyong dalawa, maging mag-friends or kayo talaga, eh nasa inyo na ‘yan,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form