Kaldero ni Diwata binili na ni Boss Toyo

 

Binili na ni Boss Toyo ang kauna-unahang kaldero ng sikat na Pares Vendor na si Diwata na ginamit niya sa kanyang paresan.

$ads={1}

Sa youtube show ni Boss Toyo na Pinoy Pawnstar nito lamang Lunes ay sumugod si Diwata sa pawnshop ni Boss Toyo para ibenta ang nasabing kaldero.

Sa halagang P3,000 ibinenta ni Diwata ang kaldero. Ito rin ang halaga ng kaldero nang bilhin ito ng celebrity vendor sa palengke.

$ads={2}

Matapos magkabayaran ay nilagdaan ni Diwata ang gilid at takip ng kaldero. Bilang "freebie," binigyan ni Boss Toyo ng dalawang pirasong gintong pampasuwerte si Diwata.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form