Luis Manzano ikinuwento ang ginawang pananaksak ng kanyang ina noon

 

Ikinuwento ng tv-host na si Luis Manzano umanoy ginawang pananaksak ng kanyang inang si Vilma Santos noong kabataan pa nito.

$ads={1}

Naikwento ito ni Luis ng mag-guest siya sa "Fast Talk With Boy Abunda" sa GMA Network sa Mother's Day special episode nito.

"Hindi ko alam kung naikuwento sa iyo ni Mommy ito. First time ko itong ikukuwento. Hindi ko alam baka… kayo na ang bahala kung may konting criminal implications ito ha”sabi ni Luis 

Ayon kay Luis na-ikwento raw ng kanyang ina ang ginawa ang tungkol sa classmate nitong si ‘Restituto’ na nang-aasar sa kanya.

$ads={2}

Wala raw ibang ginawa si Vilma magtasa ng kanyang lapis hanggang recess habang nakatitig kay "Restituto'

"Walang ibang ginawa si mommy kung hindi magtasa ng pencil. Pre-meditated ang dating. Hindi siya yung biglaan lang. Isang buong subject, nakatingin lang siya kay Restituto.

"Recess, si Restituto nasa monkey bars, diniretso, sinaksak sa hita,” sabi ni Luis 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form