Mensahe ni Paolo Contis sa manager niyang si Lolit Solis viral


Nagviral ngayon sa social media ang mensahe ni Paulo Contis sa manager niyang si Lolit Solis sa 77th birthday nito kamakailan lang.

$ads={1}

Sa video ni ipinost ni Salve Asis sa instagram ay sinabi ni Paulo na noon pa man ay gusto niyang si Lolit ang maghandle sa kanya.

“Nung nagkaroon na ako ng ibang manager after how many years, gusto ko talaga si Nay Lolit mag-handle sa akin. “E, may iba akong manager noon. So, sa kagustuhan ko, binili ko yung kontrata ko sa manager ko para mapunta ako kay Nay Lolit." sabi ni Paulo 

Nagbiro pa si Paolo na simula raw na naging manager na niya si Lolit ay nagkagulo raw ang kanyang buhay.

$ads={2}

“And simula nun, nagkagulu-gulo na ang buhay ko! “Kaya ayun, kita niyo… tingnan niyo ang nangyari sa akin,” biro ni Paolo 

Nagpasalamat din si Paolo sa pagtatanggol sa kanya ni Lolit kahit ang manager niya rin mismo ang may gawa ng issue.

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat, yung pagmamahal mo sa akin kahit hindi ako kamahal-mahal minsan. Maraming salamat sa pagtatanggol mo sa akin sa mga isyu na ikaw rin naman ang may gawa. Oo, may sasabihin akong sikreto sa kanya, ikakalat niya yun sa iba. Tapos ipagtatanggol niya ako. Pero hindi. Yan si Nay Lolit, e! Huwag mong sabihing hindi totoo? E, ganun talaga si Nanay. It’s either you love her or you hate her, but me, I love you very, very much. You’re my second mom,” sabi ni Paolo 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form