Ogie Diaz naglabas ng saloobin sa mga artistang umuutang sa kanya na di bumabayad


Naglabas na ng kanyang prangkang saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa mga artistang nangungutang sa kanya na di na nagbabayad.

$ads={1}

Kwento ni Ogie: "Me isang artistang dating alaga, pinahiram ko, tapos, awas-awas na lang daw pag me raket. Me listahan naman daw yung awas-awas, pero sa ending, ako pa ang masama.  

"Nu’ng pinautang mo, ang lambing. Tapos, nu’ng sinisingil sa balanse (konti na lang naman), sabi ba naman, “Sobra-sobra pa nga ang ibinabayad ko, eh. Hindi ko sinisingil sa inyo ang mga raket ko. Bayad na ‘ko.” Raket? Me listahan naman.

$ads={2}

"Sabi ko sa road manager ko, “‘Wag mo nang singilin, okay na ‘yon. Ang importante, nakilala natin siya. “ Ayun, wala nang career.  

 "Me isa pang dating alaga, in fairness, kahit palima-limang libo kada buwan (na dapat ire-remind mo siya lagi at nag-leave pa sa gc) eh nakakabawas naman sa utang.  

"‘Yung isang dating kaibigan, me utang din. Nu’ng sinisingil ko, sa dami daw ng naibigay niya sa akin, ako pa daw ang may utang. Hahaha! Punyeta, malay ko ba sa mga ipinapadala niyang kung ano-ano sa bahay na ang buong akala ko eh regalo lang niya at ‘yung ibang mga ginagastos niya sa mga paglabas-labas namin na madalas, nakikipag-unahan pa ako sa pagbunot ng bayad, yun pala, may listahan ang potah.

"Ano ‘to? Kwentahan ba? Dapat ko rin bang ilista ‘yung mga kabayanihan ko sa buhay niya? Kaya kung minsan, napapraning na ako sa mga nanlilibre sa akin, eh. Baka maisumbat pagdating ng araw. Lalo na pag di mo napautang o kaya ay sila pa ang galit pag sinisingil mo.

"Hay, nako…Kung pwede lang ipaskel ang mga pagmumukha ng mga potahng ‘to sa facebook,kaso, baka mabasa naman ng mga anak nila, tapos, maging kahihiyan pa nila ‘yung magulang nilang best actor nu’ng nangungutang at best supporting actor naman nu’ng sinisingil na."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form