Ogie Diaz pinuri si Gigi de Lana matapos itinuloy parin ang show nito sa kabila ng pagpanaw ng kanyang ina

 

Photo Courtesy: @gigidelanaofficial/instagram

Di mapigilang purihin ni Ogie Diaz ang singer na si Gigi de Lana dahil sa gitna ng pagpanaw ng kanyang ina ay talagang "The Show Must Go On."

$ads={1}

Sa Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz ay natalakay niya ang tungkol sa nangyari sa ina ni Gigi habang nasa Canada ang singer.

"Gusto kong hangaan, saluduhan itong si Gigi De Lana. Kasi nga 'nung May 14 ay pumanaw ang ina ni Gigi De Lana. Kung matatandaan natin naka-confine ito e." sabi ni Ogie 

Tinapos pa umano ni Gigi ang ilang show niya sa Canada para pampabayad sa medical bills ng kanyang ina.

$ads={2}

"She was really sad throughout the night and the reason she chose not to go home the next day is so sje finished her commitments so she can take her earnings to pay for the bills of her mother's medical bills and funeral. We all felt sorry and sad for her." kwento ni Ogie 

"Talagang the show must go on. Kahit may dinaramdam, kahit may lungkot sa puso ni Gigi. Nagpaka-professional pa rin siya para walang masabi ang mga tao." dagdag pa niya 

"Pero this time wala siyang magawa kundu ituloy ang commitment. Kaya sinasaluduhan natin si Gigi ano, na alang-alang din naman sa nanay niya 'yung kanyang ginagawa. And I'm sure, tuwang-tuwa yung nanay niya, proud na proud, dahil kahit apektado si Gigi ay hindi pa rin naman naapektuhan yung performance niya" sabi ni Ogie 

Kaya naman taos pusong nagpa-abot ng pakiramay si Ogie kay Gigi: "Gigi ang aming pakikiramay sa iyo at alam natin na nandun na sa taas ang iyong mahal at dakilang ina. Nakasubaybay din naman sa'yo"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form