Vhong Navarro naglabas na ng saloobin matapos mahatulang guilty sina Deniece Cornejo at Cedric Lee

 


Naglabas na ng kanyang saloobin ang Its Showtime host na si Vhong Navarro matapos mahatulang guilty sina Deniece Cornejo at Cedric Lee laban sa kasong kanyang isinampa.

$ads={1}

Base sa reports, hinatulan ng Taguig City Regional Trial Court na guilty ng serious illegal detention for ransom sina Deniece at Cedric at reclusion perpetua ang ipinataw sa kanila na parusa.

Kaya naman sa isang episode ng Its Showtime ay naglabas ng pahayag si Vhong. Pinasalamatan niya ang mga taong umalalay sa kanya noong dumaan siya sa matinding pagsubok.

$ads={2}

Pinasalamatan din niya ang korte at ang kanyang legal team. At siyempre hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang ABSCBN at Its Showtime Family na laging andiyan para sa kanya.

At sa huli ay nagpapasalamat si Vhong sa kanyang asawa at pamilya dahil sa ipinakita nitong love at support para sa kanya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form