Miles Ocampo nagsalita na sa "Pataba" joke ni Joey de Leon

 


Nagsalita narin sa wakas MIles Ocampo kaugnay sa usap-usapang pataba joke ni Joey de Leon kamakailan sa Eat Bulaga.

$ads={1}

Matatandaan na sa isang episode ng Eat Bulaga ay binati nila si Miles sa birthday nito. “Wala akong masabi kundi Pataas! Pataas ‘yung edad eh,” sabi ni Tito Sotto

Ngunit biglang hirit ni Joey: “Pataba! Ay pababa,” 

Kaya naman sa isang panayam ay nagsalita na si Miles hinggil sa issue. “Sa Dabarkads, bawal ang pikon do’n. Sanayan lang sa mga bawat banat at hirit ng isa’t isa… so walang problema po,” sabi ni Miles sa media conference sa kanyang upcoming Teleserye “Padyak Princess,”

$ads={2}

“Actually si Boss Joey, naapektuhan din kasi nga, (sabi niya) ‘bakit galit ‘yung mga tao sa akin?’ eh segment naman po namin sa Eat Bulaga ‘yung ‘pataas, pababa,’” dagdag pa niya 

Matapos daw ng joke na iyon ni Joey ay nag-sorry raw ito sa kanya: “Sabi ko kay Boss Joey, ‘okay na po ‘yun, sadyang ang mga tao talaga ngayon ay makabilis makahanap ng mali, kaya napupuna agad.’ Pero sabi ko, wala pong problema,”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form