Vice Ganda ibinunyag na nagalit sa kanya si Billy matapos niyang sabihing hindi siya pupunta sa kasal nito

 

Photos: @praybeytbenjamin,@billycrawford/Instagram

Tapat na inamin ni Vice Ganda na nagalit umano sa kanya si Billy Crawford matapos niya itong sabihan na hindi siya makakapunta sa kasal nila ni Coleen Garcia.

$ads={1}

Ibinahagi ito ni Vice sa kanyang latest vlog na kung saan isa sa kanyang panauhin ang singer na si Erik Santos nan kung saan nabanggit ng singer ang nararamdaman niyang lungkot dahil ikakasal na ang kanyang mga kaibigan at napag-iiwanan na siya.

Ayon kay Vice naranasan niya raw ito dati na unti-unti nang nagpapakasal ang kanyang mga kasamahan sa Its Showtime gaya nina Karyle, Anne, at Billy. Masaya ka para sa kanila, pero malungkot ka para sa sarili mo.” sabi ni Vice 

$ads={2}

At dito na ay inamin ni Vice kay Billy na muntik raw siyang hindi pupunta sa kasal nito.

“Nung kasal ni Billy, muntik kaming magkagalit, magkatampuhan. Kasi last minute, pinasok ako ng depression. Yun yung time na unti-unting nade-develop yung depression ko, tapos nalulungkot ako. Tapos yung natatakot ako sa papalapit na kasal ni Billy dahil lalo akong nalulungkot.” sabi ni Vice 

Sa mga oras umano na iyon ay feeling ni Vice na parang siya ay napag-iwanan na: “Forever na ba akong single? Forever na ba akong mag-isa? Hindi na ba ako mamahalin ever?” 

“’Tapos hindi na ako pupunta sa kasal niya. Parang bukas yung kasal niya, ‘tapos today nag-text ako sa kanya, ‘I won’t make it. Nagalit talaga siya. Nagalit siya. Tapos hanggang ang dami kong alibi, na wala na akong masasakyang eroplano.”kwento ni Vice 

Kaya si Billy na raw ang gumawa ng paraan para lang makapunta si Vice sa kanilang kasal: “Tapos inayos niya lahat para lang makapunta ako. Tapos sabi niya, ‘Kung ayaw mong pumunta mismo sa wedding, at least, nandon ka lang sa Balesin. Kung ayaw mong panoorin yung ceremony, at least, doon ka lang Balesin.’”

Tumuloy si Vice at dumalo sa wedding ceremony. Pero hindi na siya pumunta sa reception.

“After the ceremony, sobra na akong nalungkot, dumiretso ako sa kuwarto."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form