10 Tips Para Madaling Maka Move-On, Galing sa Pagka-Sawi




Masakit talaga ang break-up, Masakit na nga sa puso, Masakit sa utak at lalong masakit sa mata kakaiyak.


Lalong-lalo pang masakit, kapag nakikita mong nakakamove-on na sayo ang EX mo, at kung minalas-malas ka pa, kung may bago na siyang kalandian.


Kaya kung gusto mo maka move-on.
Ito ang mga TIPS para sa sugaton mong puso.


1. CRY

So alam kung weird pero kailangan mo din talagang umiyak sa panahong broken hearted ka, yung iyak naman na hindi pang best actress te ha? at wag mo din namang araw-arawin, yung tipong iyak sa isamg bagsakan lang.
Kailangan mo din kasi ilabas ang totoong nararamdaman mo paminsan-minsan, kasi aminin man natin o hindi napakahirap kimkimin ang ganitong feelings.


2. ERASE THE MEMORIES


Burahin mo sa isip ang lahat ng memories mo sa kanya, although mahirap lalo na kung fresh pa lang ang break-up niyo. Kailangan mo na itong e let go lalo na yung mga memories niyong magkasama kayo at napakasaya.


3. NO TO SAD MUSIC

Broken hearted ka, tapos yung mga kantang pinapakinggan mo e "Only reminds me of you", 12:51 at kung ano pang mga love songs dyan dahilan ng yung kalungkutan.
 Dapat kung mag soundtrip ka yung something can cheer you, yung masasaya, yung kantang tingin mo nakapag motivate sayo or yung better than revenge, basta kahit anong kanta na hindi nakakalungkot. 


4. HAVE FUN, BE WITH FRIENDS 

Napaka-effective yung pag-gala or pakikipag bonding with your friends pag ikay broken hearted, yung tipong may magdadamay sayo at magpapa-lakas ng loob mo. 


5. NEW LOOK, NEW LIFESTYLE

So, para sakin dapat naka new look at new aura ka, malaking tulong din sa break-up yung may nagbabago sa sarili mo at kagawian mo, katulad ng pagpa gupit o pag rebond ng buhok mo at yung simpleng pananamit na mas kaka-iba sa mata ng tao.


6. BE BUSY


Lunurin mo ang sarili sa kung anong mapagkaka-abalahan mo, maganda gumawa ka ng mga bagay na talagang mapapagod ka ng sobra para maaga ka makatulog sa gabi. bakit? 
dahil pag gabi nakakapag emote ka, kasi wala ka masyadong pinagkakaabalahan at saka napaka tahimik ang gabi at nakkapag dulot ng iyong kalungkutan. 


7. LOVE YOURSELF

Mahalin mo ang sarili mo hindi dahil broken hearted ka, kailangan magmukha kang happy palagi at alagaan mo dapat ang sarili mo, kasi walang ibang makakatulong sayo kundi ikaw lang.


8. TIME 

Time can heal almost everything, even you're broken-hearted don't be too hard about yourself. 


9. DONT THINK TOO MUCH 

Kasi hindi porket brokenhearted ka, dinidibdin mo yan lahat madami pang problema sa mundo, isipan mo nalang maswerte ka dahil yan lang ang pino-problema mo at tandaan ang wrinkles te. 


10. FORGIVE AND FORGET

Hindi lang dapat yung EX mo ang patatawarin mo, dapat pati sarili mo. Kung may nagawa kaman kasalan o siya o may pagkukulang man sya o ikaw dapat mong tanggapin ang katotohan na talagang hindi kayo para sa isa't-isa, 

At kailangan may (closure) alam natin mahirap magpatawad te pero tandaan tao lang po tayo hindi tayo diyos sabi nga nila mas maghihirap sa buhay ang taong pinapa-iral ang galit para wag pumangit forgive and forget nalang po ate. 


Sana po makatulong to sa inyo kaya sa mga broken hearted diyan move-on na po tayo. 
GOODLUCK!

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form